Sunday, October 17, 2010

ano ba ang meron?

May kalabuan at maraming kasakitan ang pwedeng idulot ng pagtatanong at paghahanap sa tunay na meron.

Kailangang matindi ang pagnanasang maunawaan ang meron at may taglay na sapat na pasensya ang isang tao.

Dahil sa kahirapan at kasakitan, maraming tao ang tumitigil na lamang at binibigyan ng hangganan ang kanilang pagmemeron. Paraan ito ng tao para huwag na lamang palalimin pa ang kanyang nalalaman, at huwag na rin masaktan sa proseso.

Ngunit sa mismong kahirapan, lalo namang napapatindi ang sarap ng tagumpay na maaaring maramdaman ng mga taong sa wakas ay nakakaunawa na sa meron.

Kailangang isipin din natin na hindi lang ang kasagutan sa ating mga tanong ang may kahulugan.  Ang pagtahak natin sa landas patungong meron ay malaki din ang ibinabahagi sa pagpapalawak ng ating mga isipan at mga kaalaman ukol sa kung ano ang dapat nating gawin sa buhay.

Sa totoo, hindi tayo maaaring makarating sa punto kung saan alam na natin ang buong meron. Pero hindi tayo pwedeng tumigil sa pagmemeron dahil ito ang nagbibigay kahulugan sa ating pag-iral.

- 2000-11-27: ph102 (lagliva) -

No comments:

Post a Comment